Katulad din ng maraming Pinoy na gising pa ng alas diyes ng gabi, isa ako sa mga tagasubaybay ng Pinoy Big Brother. Madalas natutuwa ako sa mga karakter na nakatira sa bahay ni Kuya, madalas ding naiinis ako kahit wala naman silang ginagawang masama sa akin. Pero sabi nga nila "reflection" daw ito ng pagkatao mo.Hindi ko tuloy maiwasang maipagkumpara ang mga karakter ng mga "housemates" sa mga taong kakilala at nakakasama ko araw-araw. Hindi ko maiwasang ipagkumpara ang mga "housemates" sa aking mga "choirmates".
Ako ay kabilang sa Himig ng Pag-IBIG Choir at mula ng mabuo ang groupo noong 1999 nakita ko ang paglago nito. Ibat’ ibang mukha, iba’t ibang karakter at iba’t ibang personalidad.
Sa aming grupo, mayroon kaming mangilan-ngilang "RAQUEL" na ang nais lang ay mapaganda ang aming "performace" pero bossy ang dating sa iba. Marami din kaming pasaway na katulad ni "UMA". May ilang katulad ni "RICO" na laging tulala, marahil ay iniisip din ang kanyang ex-gf. May mga katulad ni "FRANZEN" na masyadong mahiyain at kulang ng "self-confidence" pero mayroon din naman palang ibubuga. May mga hyper at pasikat na tulad ni "NENE", may mga malalambing at maalaga na katulad ni "CASS" at "JENNY". May mga mapoporma at lapitin ng "chicks" katulad ni "JB" , heartthrob na katulad ni "SAM" at matinding magmahal katulad ni "SAY". Marami sa aming "JAYSON" na patawa at masarap kasama. May ilang ding "searching" na katulad ni "CHYX" at katulad ni "BOB" na mahilig mag-analisa ng sitwasyon.
Ibat’ ibang mukha, iba’t ibang karakter at iba’t ibang personalidad. Pero yan naman ang nagpapasarap sa isang samahan.