Tuesday, September 27, 2005

Pinoy Big Brother at ang Himig ng Pag-IBIG Choir

Katulad din ng maraming Pinoy na gising pa ng alas diyes ng gabi, isa ako sa mga tagasubaybay ng Pinoy Big Brother. Madalas natutuwa ako sa mga karakter na nakatira sa bahay ni Kuya, madalas ding naiinis ako kahit wala naman silang ginagawang masama sa akin. Pero sabi nga nila "reflection" daw ito ng pagkatao mo.

Hindi ko tuloy maiwasang maipagkumpara ang mga karakter ng mga "housemates" sa mga taong kakilala at nakakasama ko araw-araw. Hindi ko maiwasang ipagkumpara ang mga "housemates" sa aking mga "choirmates".

Ako ay kabilang sa Himig ng Pag-IBIG Choir at mula ng mabuo ang groupo noong 1999 nakita ko ang paglago nito. Ibat’ ibang mukha, iba’t ibang karakter at iba’t ibang personalidad.

Sa aming grupo, mayroon kaming mangilan-ngilang "RAQUEL" na ang nais lang ay mapaganda ang aming "performace" pero bossy ang dating sa iba. Marami din kaming pasaway na katulad ni "UMA". May ilang katulad ni "RICO" na laging tulala, marahil ay iniisip din ang kanyang ex-gf. May mga katulad ni "FRANZEN" na masyadong mahiyain at kulang ng "self-confidence" pero mayroon din naman palang ibubuga. May mga hyper at pasikat na tulad ni "NENE", may mga malalambing at maalaga na katulad ni "CASS" at "JENNY". May mga mapoporma at lapitin ng "chicks" katulad ni "JB" , heartthrob na katulad ni "SAM" at matinding magmahal katulad ni "SAY". Marami sa aming "JAYSON" na patawa at masarap kasama. May ilang ding "searching" na katulad ni "CHYX" at katulad ni "BOB" na mahilig mag-analisa ng sitwasyon.

Ibat’ ibang mukha, iba’t ibang karakter at iba’t ibang personalidad. Pero yan naman ang nagpapasarap sa isang samahan.

Wednesday, September 07, 2005

Masasaya at Malulungkot na Posts

Nung nagsisimula palang akong mag-blog, sabi ko sa sarili ko puro magagandang postings lang ilalagay ko. Masasayang kwento tungkol sa akin, sa anak ko at kung ano ano pang magagandang bagay na gustong sabihin ng utak ko. Pero minsan di talaga natin pwedeng pigilan na may mga pagkakataong malungkot ang isang tao.
Nasa hospital ang Tatay ko ngayon. Nahihirapang huminga, sabi ng doctor Emphyzema na papuntang TB na daw, kaya mga isang linggong mahigit daw siya sa hospital. Okey nadin kesa sa cancer.
Sana ang susunod kong mga posts masasaya ulit. ..

Monday, September 05, 2005

Skin breakouts...

Noticed my new skin? For the past 2 weeks, I've been experiencing 2 types of Skin Breakouts...

Type A (My Blogskin) - I've been attempting to change my skin, it's my first time and I've encountered so many trials... Sounds dramatic, but it is! Last week, after attempting to paste some HTML codes from blogskins.com, and after over a hundred trial and error, I deleted my previous template settings. I was in a state of shock when I found out I lost my links, site meter and tagboard and I felt really really sad.
I woke up this morning with these problems in mind, so equipped with determination and patience to cope up with over a hundred trial and error, I found the perfect skin for me....
Type B (My Acne, blackheads, whiteheads) - After I had my hair rebonded last month, I've been experiencing skin breakouts on my T-Zone. Again I felt so so sad! How I wish I could just cut somebody's skin and paste it on my skin so I can have the perfect skin... huhu!!!